OMG, Bagong Nanay is back! What to expect

bagong nanay logo

After a three-year hiatus, Bagong Nanay is back for the best, and for good.

“It’s for the best, for now.”

‘Yan na lang ang naisip ko nung nag-decide ako mag-resign from my job as a Section Editor of Smart Parenting. Yes, halos four years in total din ako sa SP. Nagsimula as a community member, naging contest finalist, mom ambassador, contributing writer, hanggang sa inofferan ako ng full-time job as a Senior Staff Writer. Bago nun, two years akong unemployed dahil nagpaka-Bagong Nanay ako sa panganay kong anak na si Lia. Ngayon, may isa pa akong baby, si Titus. 10 months old na siya, which means Bagong Nanay ako all over again.

lia and titus
Lia (6) and Titus (<1)

How Bagong Nanay started (recap lang)

Ilang araw nalang, my firstborn will be turning six. Nakaka-senti kasi parang kahapon lang nung nag-break yung water bag ko at pumunta kami ni husband ng ospital, thinking baka hindi pa naman time. 33 weeks, 5 days palang kasi siya noon. Eh, sabi ng BabyCenter app, at least 34 weeks sana ang baby bago lumabas para ma-develop fully yung lungs niya. So ayun, nag-stay ng 3 days sa loob ng tiyan ko si Lia, until in-emergency C-section na ako ng aking OB-GYN na si Tita Ana Villaraza na kilala rin bilang si Dra. V sa Capitol Medical Center dahil ubos na ang aking amniotic fluid.

Si Lia, na dati ay 1.5kg lang noong lumabas, ay isang matalino at madaldal na Grade 1 student na. Ang bilis lang ng panahon. Kaya sabi ko, mabilis lang din naman lalaki si Titus, kaya susulitin ko na muna habang baby pa siya. Focus muna ako sa kanilang dalawa, at habang nasa school si Lia at nap time naman nung isa, makakasulat ako dito sa Bagong Nanay blog na sinimulan ko noong pang 2019. Naaalala ko pa, nasa shower ako noon, maternity leave ko. Hirap na hirap ako bilang first-time mom na nakabukod sa pamilya. Nakatira kami ni husband sa condo sa Quezon City, at walang ibang kasama. Sabi ko, “What if gumawa ako ng Instagram page kung saan pwedeng mag-crowdsource ng mga tanong about parenting? Tapos ako, bilang may communications background ako, icoconsolidate ko into a blog post para mas madaming makabasa at ma-share nila?”

What is Bagong Nanay?

So Bagong Nanay was born. Eventually, bilang unemployed ako nitong time na ito at pandemic, naisipan kong mag-try magbenta ng malunggay supplements. Ang lakas ng benta ko noon! Pano, ang business plan ko kasi ay mag-ship as needed ng mga malunggay tea and coffee, patok sa mga bagong panganak. Tipong nasa ospital pa sila, oorder sila at ipapadala ko ura-urada via Grab Express or Lalamove yung orders nila. Bilang gising ako halos buong araw, anytime delivery din ako. Kahit alas-5 ng umaga at kailangan nila ng pampalakas ng gatas, o gabi dahil yun lang ang time na pwede silang makalabas ng bahay, game ako.

bagong nanay
Bagong Nanay, created in 2019

Gumawa din ako ng Viber group kung saan mga Bagong Nanay in different seasons of life ang members. Dito, free sila magtanong at mag-usap about anything under the sun. Pero nagsilakihan na din ang mga anak nila, kaya medyo naging inactive na ito. Nasa 90+ members ang Viber group, pero legit na mga nanay ito dahil by invitation link lang ang pag-join. Walang bots allowed.

Bakit may Bagong Nanay ulit?

Nag-resign ako sa SP dahil may company policy kami na two days report to office per week. Hindi ako maka-keep up dito dahil 1) hindi ko maiwan ang baby ko dahil breastfeeding kami at clingy siya; 2) ang layo ng office namin sa Mandaluyong, taga-Novaliches kami. Sabi ko, it’s for the best for now. Babalik nalang ako pag kaya ko na, dahil unfair din naman sa mga ka-officemate ko kung ako lang ang naka-work from home at sila ay pumapasok sa office. It’s the best for now because lahat ng oras at atensyon ko ay nakatuon sa aking mga maliliit na anak muna. Makakabalik din si Nanay sa work niya.

Long story short, gusto ko lang ituloy ang aking pagsusulat at pagiging nanay kaya binuhay ko ulit ang Bagong Nanay. Marami nga lang magbabago, kasi siyempre, natuto na tayo sa mga needs ng mga nanay. Naisip ko, sa dami ng mga content sa social media, ano ba ang kailangan nilang makita at mabasa? Bakit ako dadagdag pa sa mga isipin nila?

New and improved Bagong Nanay 2.0

As a Bagong Nanay of two, heto ang mga naisip kong magiging laman ng Bagong Nanay blog na ito at ng social media accounts natin.

bagong nanay logo
Bagong Nanay, new logo for 2025 relaunch

Dati, Bagong Nanay served as a community of new and first-time moms, Bagong Nanay 2.0 is a safe space for mothers and their stories.

Kuwentong Bagong Nanay

Sa mundo na puno ng Chatgpt or AI-generated content, magpapakatao tayo. Ang kuwento ng bawat nanay ang bida dito. Tuloy pa rin ang mga Kuwentong Bagong Nanay, na sana one Nanay per week. May kuwentong Bagong Nanay ka ba? Send me a message and I will reach out to you. Read our past features:

Bagong Nanay Reviews

Sa TikTok kung saan madaming nabubudol, tutulong tayo to make informed decisions. Tuloy pa rin ang Bagong Nanay Reviews, kung saan itetest ko personally ang mga bago o existing brands in a comprehensive article for every mom’s reference.

Bagong Nanay and her Biz

Bago naman ang Bagong Nanay and her Biz, kung saan iffeature ko ang mga mompreneurs at ang kanilang mga locally-made products for support and empowerment. (Haha, parang wordplay pala ng Beauty and the Beast, LOL). Open din ang Bagong Nanay for consignment or affiliate marketing! If you have a biz, hit me up at isulat natin yan.

Bagong Nanay Things

Eto ang excited ako. Gagawa ako ng isang page dito sa website kung saan makaka-download ang mga new moms ng mga files gaya ng proven and tested hospital bag checklist, postpartum depression test, at marami pang guides and how-tos. Syempre, para pa din ang lahat ng ito sa mga literal na Bagong Nanay.

Sa social media naman, expect affirmations, questions, and giveaways. Buhay pa rin ang Viber group natin, in case may gustong mag-join. Madami nang natulungan ang group to source breastmilk, brand recommendations, at event promotions. Active din ako sa Threads, kung andun din kayo.

Hanggang dito muna ang ire-reveal ko. Pero everything is possible with Bagong Nanay. Wala tayong hierarchy at burokrasiya dito, so feel free to share your thoughts on how we can help each other sa season na ito. Open ako diyan.

It’s for the best, for now.

Thank you sa pagbabasa, Bagong Nanay. It’s an honor to exist and write for you.

Love,

Nanay Judy

PS. Bagong Nanay is also a tribute to Dr. Maria Ana G. Villaraza, my dear tita and OB-GYN, who passed away in April 2024. May she rest in peace.

PPS. Sending a gift to Nanay Kyla Abrenilla Magbag (ky.mgbg) for commenting on my recent post. Yey!

Follow Bagong Nanay on Instagram, Facebook, and Threads for updates. Join our Viber group here.

Comments

3 responses to “OMG, Bagong Nanay is back! What to expect”

  1. Why Smurfs Movie Hits Hard as a Nanay – Bagong Nanay avatar

    […] Bagong Nanay’s first gig, my daughter and I were invited to the Blue Carpet Screening of the Smurfs movie at the […]

    Like

  2. Handsewn with Love: Elisha and Eliana by Yane Cuarto – Bagong Nanay avatar

    […] I relaunched Bagong Nanay in July, I already came across this mompreneur on Threads (follow me if you’re […]

    Like

  3. Hello, 2026! Bagong Taon, Bagong Nanay! – Bagong Nanay avatar

    […] July, I restarted Bagong Nanay. I bought a new domain and hosting, and started writing for my own website. I was scared but also […]

    Like

Leave a reply to Handsewn with Love: Elisha and Eliana by Yane Cuarto – Bagong Nanay Cancel reply