Tag: ppd

  • Breastfeeding and Mental Health: Key Insights for Bagong Nanays

    Breastfeeding and Mental Health: Key Insights for Bagong Nanays

    Hi, Bagong Nanay!

    Kumusta? Ako, okay lang naman. Malapit na mag-1 year old ang aking baby boy. Kaninang umaga, nag-declutter ako ng mga gamit niya–mga damit na pinagliitan at mga hand-me-downs from friends na ready na akong i-pass on to another Bagong Nanay. If you are interested in hand-me-down Bagong Nanay items, send me a message on the Bagong Nanay Viber group here.

    Kahapon, August 6, nag-join ako sa isang online seminar about nurturing the mental health of breastfeeding mothers.

    Source: Facebook /Philippine Society of Newborn Medicine

    The Mother and Baby Dialogues Series 5 is spearheaded by the Philippine Society of Newborn Medicine, Inc. Council on Advocacy and Service Programs, Committee on Breastfeeding, in collaboration with Philippine Pediatric Society (PPS), Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS), Perinatal Association of the Philippines, and Victoriano Luna General Hospital.

    Bilang isang breastfeeding mom and maternal mental health advocate, narito ang mga natutunan ko.

    Takeaways from Breastfeeding and Mental Health Seminar

    1. Educate yourself.

    Knowledge is power, ika nga. Kahit buntis pa lamang, mahalagang tayo ay may kusa na mag-aral tungkol sa ating papasuking buhay nanay.

    Gaya na lamang ng salitang “postpartum.” Maraming nanay ang nagsasabi na “parang may postpartum ako.” Ayon kay Dr. Bianca Katrina Villanueva, isang OB-GYN at breastfeeding specialist, lahat ng nanay na bagong panganak ay dadating sa “postpartum” period. Kaya hindi nangangahulugang may depression agad ang isang bagong nanay.

    May mnemonic para malaman kung may sintomas ang isang nanay ng postpartum depression o PPD: M-O-T-H-E-R: Mood changes, lOss of interest, Trouble sleeping, Heartache, Eating problems, and bRain fog.

    Screenshot from Zoom /Mother and Baby Dialogues Series 5

    Ayon naman kay Dr. Joffrey Sebastian Quiring, isang psychologist, mahalagang aware ang mga nanay, kahit buntis pa lamang, kung ano ang mga sintomas ng postpartum depression at kung anong kaibahan nito sa baby blues.

    Kung ang nanay ay nakakaramdam ng kalungkutan ng mahabang panahon at hindi na makapag-function gaya ng pag-aalaga sa bata o gawain sa bahay, maiging kumonsulta na sa doktor. Lalo na kung may mga sintomas na ito na nakakaalarma, gaya ng gustong saktan ang sarili o ang baby. Ito ay mga red flags na dapat maagapan at maikonsulta na sa doktor. Kung may nararamdaman na o hirap ang buong pamilya sa pag-aalaga, maaaring banggitin na ito sa OB-GYN o sa pediatrician para ma-refer sa espesyalista.

    2. Communication is key.

    Hinihikayat naman ni Dr. Abegail Joy Corro-De Pano na during the first postpartum check-up, kausapin nila ang kanilang doktor for any concerns about breastfeeding or latching. She reminds that it really takes a village to help a mom breastfeed. Dapat may support system sa bahay gaya ng asawa, kapamilya. Malaking bagay rin ang magagawa ng pagkakaroon ng me-time at pag-observe ng proper nutrition. Ika niya, kung happy ang mommy, happy ang baby.

    Ayon naman kay Dr. Rene Andrew Bucu na isa ring tatay, huwag balewalain ang tulong ng asawa bilang support system ng bagong nanay. “Communication is key. Dapat parehong magulang ay gustong mag-breastfeed,” sabi niya. Kuwento niya, kahit na mag-asawa silang doktor (OB-GYN ang kanyang misis), hindi pa rin naging madali sa kanila ang breastfeeding.

    Para naman sa mga tatay, bilin ni Dr. Bucu, “Do whatever is possible to help your wife breastfeed – change diapers, household work, masahe, o kahit ano pa. Happy mommy, happy baby, magiging happy daddy.” Inemphasize niya na ‘super worth it’ ang mag-push through with breastfeeding kaya kung may nararanasang hirap, humingi ng tulong.

    Mahalaga rin daw na naicocommunicate ng asawa ang pangangailangan ng bawat isa. Para naman kay Vickie Rushton, isang aktres, beauty queen, at bagong nanay na halos dalawang taon na sa pag-breastfeed ng kanyang anak, sapat na ang presence ng kanyang asawa at assurance na tama yung ginagawa mo.

    Diin ni Dr. Corro-De Pano, husbands really need someone to tell them what they need to do.

    3. Adopt a healthy lifestyle.

    Studies show that breastfeeding decreases the risk of depression among new mothers. Dahil nga naman sa breastfeeding, once you get the hang of it, mas makakatulog na ng mahaba ang nanay dahil imbis na gumising para magtimpla ng gatas sa gabi eh pwede naman ang side-lying.

    Pero meron ding mga pag-aaral na nagpapakita na ang pag-struggle naman sa breastfeeding ay nagiging cause ng anxiety and depression among new mothers. Dagdag pa rito, kapag raw nakararanas ng depression ang bagong nanay, nakakaapekto ito sa milk supply niya.

    Kaya mahalaga na mayroon physical and emotional support ang bagong nanay. Ayon kay Dr. Quiring, ang PPD ay masosolusyunan at hindi pang-habang buhay. Maaaring tumawag sa crisis hotlines ang mga nanay na nakakaranas ng sintomas ng depression, at maari ring magpatingin sa psychiatrist. Hindi nangangahulugan na kung may depression ay kailangan nang uminom ng medications, dahil iba-iba naman ang kaso. May mga iba pang interventions gaya ng talk therapy o family therapy.

    “Commit to the journey. The benefits outweigh all the difficulties.” Dr. Rene Andrew Bucu

    Inemphasize din niya na huwag balewalain ang healthy lifestyle, gaya ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pahinga, at pagkakaroon ng physical activity.

    Panawagan naman ni Dr. Villanueva sa mga OB-GYN, sana raw bago pa manganak ang mga nanay ay makatanggap ito ng antenatal education and care. Kasama dito ang pag-alam kung ano ang dapat i-expect tungkol sa breastfeeding, sino ang makakasama ng ina pagkapanganak, at iba pa.

    Malaking bagay din daw kung maiwasan ang PPD lalo na kung madedetermine kung at risk ang nanay habang buntis pa lamang ito. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng regular na screening para sa PPD ang mga bagong nanay.

    4. Use social media as a force for good.

    Tinalakay din kung paano nakakaapekto ang social media sa mga bagong nanay. May nagsabi na puro ingay lang daw ang social media dahil sa mga “perfect mom” na pinoportray ng iba sa Facebook at Instagram. Pero ayon kay Vickie, dahil buo ang loob niya na mag-breastfeed simula pa lamang, hindi siya naapektuhan ng nakikita niya sa social media. Si Dra. Villanueva din, na madalas makakita ng iba’t-ibang posts ng breastfeeding dahil sa algorithm ng social media, na-motivate daw siyang mag-breastfeed lalo na pag nakakabasa siya ng success stories about breastfeeding.

    Diin naman ni Dr. Bucu, naglipana ang mga article sa social media na may click-bait headline, dahilan minsan kung bakit ang ibang nanay ay nawawalan ng kumpiyansa sa pag-breastfeed, “Learn how to make social media a force of good,” sabi niya.

    Final words

    Para sa mga Bagong Nanay na nagpapadede, kung may nararanasan kayong hirap, ask help agad kasi may solusyon. Kapag pinatagal natin, lalong lalala.

    Sana po sa simula ng breastfeeding ay walang judgment dahil ang mga nanay ay lunod na sa paghuhusga sa sarili.

    Maigi raw na magpatuloy na magpadede up to 2 years and beyond. Huwag lang kalimutang alagaan ang sarili — our children deserve moms and dads who are healthy mentally and physically.

    Ang ina raw ay ilaw ng tahanan, pero kung may mental health problem, nagiging madilim ang bahay. Strengthen the support system. Let’s raise the children and mother together. Bukas ang mga doktor kung may kailangang tulong. Tanggalin ang stigma, at huwag mahiyang mag-ask for help.

    Dr. Bucu emphasizes, “Commit to the journey. The benefits outweigh all the difficulties.”

    Kay Dr. Quiring naman, pinaalala niya na there’s no health without mental health. “No man is an island. We are here to help families and influence systems.”

    Paalala naman ni Vickie, “just add water.” Payo niya sa mga nanay, drink lots of water at maligo.

    Finally, sabi ng mga doktor na ang village ng isang bagong nanay ay extended sa workplace. Sana mas palawakin pa ng mga kumpanya ang pag-intindi sa mga nanay na bagong panganak para mas mapagtagumpayan nila ang breastfeeding.

    Maraming salamat, doctors, sa pagbibigay halaga sa mga Bagong Nanay. Para sa mga Bagong Nanay na nangangailangan ng kausap, join kayo sa Viber group namin. If you are in crisis, call NCMH Crisis Hotlines: (02) 1553 (Luzon landline), 0917-899-8727 (Globe), or 0908-639-2672 (Smart).

    Nakaranas din ako ng postpartum depression bilang isang first-time mom sa panahon ng COVID-19 pandemic. Watch my interview with Beacon here.