Tag: cooking

  • “Anong ulam?” Easy-to-cook ulam ideas according to Nanays

    “Anong ulam?” Easy-to-cook ulam ideas according to Nanays

    ECQ, MECQ, GCQ pa man, may nananatiling constant: kailangang bumangon at magluto ng Bagong Nanay.

    Dahil bawal lumabas, madalas gusto nalang natin magpadeliver ng pagkain. Kaya naglipana ang mga Facebook and Viber groups kung saan napakaraming pwedeng pagpilian. Sold tayo lalo na pag mabasa natin ang magic words na “FREE DELIVERY.” ๐Ÿ˜›

    Pero siyempre, hindi naman pwedeng araw-araw take-out or delivery. Magastos siya, at alam nating mas malinis at mas mura pag lutong-bahay. Problema, ang hirap mag-isip ng lulutuin sa araw-araw, o di kaya, hindi naman tayo magaling magluto. Saktong fried egg lang or pancit canton ang alam natin bago tayo nagkapamilya. ๐Ÿ™ˆ

    Katulad ko ba kayo na kada gabi, naglilista na ako kung ano ang lulutuin kinabukasan, para hindi ako mag-aksaya ng brain cells kakatitig sa kung anong mga ingredients sa ref. Kaya lang, madalas, paulit-ulit na ang niluluto ko. Ako mismo nauumay na.

    Kaya naman, tinanong ko ang mga Bagong Nanay sa Instagram kung ano ang mga easy-to-cook recipes nila ngayong ECQ na naging MECQ na pala. Kinompile ko sila, at nagsingit na rin ng mga photos ng luto ko. ๐Ÿฅฐ

    May sabaw

    • Nilagang baka na may mais
    • Sinigang na isda
    • Miso soup
    • Law-uy (bisaya vegetable soup)
    • Tinolang manok with malunggay
    • Hotpot
    Paboritong lutuin kapag kakapamalengke palang ng gulay – sinigang na kahit ano!

    Dahil may toddler kami sa bahay, mahilig siya sa sinabawang kahit na ano. Pag may sabaw ang ulam, sure na marami ang kakainin niya.

    Ginisa

    • Ginisang sayote
    • Ginisang sayote sa sardinas
    • Ginisang pechay sa sardinasSpicy tuna sisig
    • Ginisang kamatis with egg
    • Sizzling tofu
    • Stir-fry vegetables (carrots, beans, sayote)
    • Ginisang repolyo
    • Ginisang sausage
    Gisa ka lang ng giniling, add cabbage, cheese, wrap in tortilla – instant burrito!

    Basta’t may bawang at sibuyas, may ulam. Share ko lang – napaka-life-changing ng tortilla wraps. Yung mga usual na ginigisa mo lang, ibalot mo sa tortilla wrap, at mag-le-level-up ang luto mo.

    Prito

    • Pan-seared salmon steak
    • Pritong bangus
    • Scrambled egg with onion
    • Tortang sardinas
    • Processed meats (tocino, meatloaf, corned beef, hotdog)
    • Air-fried bacon
    Veega meat-free burger steak with mushroom gravy and mashed potatoes!

    Eto yung mga pinakamadaling lutuin. Kaso, madalas, kulang sa nutrition! Kaya pag prito ang ulam namin, lagi akong magtitimpla ng M2 Malunggay Okra Luya Tea. Para sagot na niya yung gulay. ๐Ÿ˜‰

    May sarsa

    • Adobong manok
    • Adobong baboy
    • Kinamatisang manok na may malunggay
    Adobong manok with spinach

    Sarsa is love. Kasi sarsa palang, ulam na!

    Non-rice

    • Spaghetti
    • Tuna pasta
    • Tacos
    Creamy chicken alfredo pasta with quesadillas

    Madalas kong menu for the day is breakfast, lunch na rice, then dinner na pasta. Para medyo may variety. Bili kayo ng iba-ibang klase ng pasta para di kayo maumay na puro spaghetti lang. Lakas din maka-sosyal ng olives. Favorite ng toddler ko.

    Roasted

    • Oven-roasted cabbages
    • Roasted or baked chicken
    • Sausages with baked potatoes
    Maharlika Taste’s Beef Randang with cucumber and tortilla

    Dahil wala kaming oven, microwave is key sa amin. Like this instant ulam – beef randang in a bottle, heat lang, then poof! Walang kapagod-pagod pero ang sarap! Okay din ang gourmet tuyo or spanish sardines for instant ulam.

    Instant

    Eto naman ang ultimate panawid gutom. Instant noodles but make it fashion! Lagyan ng mga available gulay, egg, and beef balls. I-serve with nori/seaweed, and with kimchi on the side. Naging ramen ang simpleng mami!

    Sana may napulot kayong ideas dito ng lulutuin habang naka-lockdown pa rin tayo. Kapit lang, naway matapos na ang pandemya at makapag-boodle fight na ulit with our loved ones.


    Salamat mga nanays sa pagsagot sa ating #BagongNanayQOTW! rejjventress, cybilmalipot, mavicholics, happygo_chrissy, mommyjhentrese, mommylou_18, mommy_alexies, orangepopsicle18, mayjowa_na, and xingogaoiran!

    And as promised, isa sa mga sumagot sa ating #BagongNanayQOTW ay mananalo ng M2 Malunggay Okra Luya Tea gift pack from The Bagong Nanay Shop!

    Congratulations, momofhyperkids, Honey Quiambao-Iresare! :)

    Ano pa ang mga easy-to-cook recipes niyo ngayong lockdown? Comment below! :)

  • Gawaing Bahay, But Make It Bago!

    Gawaing Bahay, But Make It Bago!

    Hello, #BagongNanay!

    Nangyari na ba ito sa’yo:

    ‘Yung magtitimpla ka lang ng kape – tapos nakita mo hindi pa pala hugas yung tasa mo. Kaso ubos na pala yung Joy, need na i-refill, so pagtingin mo sa stock room, nakita mo na malapit na pala mag-expire yung isang delata. Kaya kumuha ka ng can opener para kainin mo na at hindi na masayang, kaso pagbukas mo ng drawer, nakita mo na may mga langgam! ๐Ÿœ๐Ÿœ๐Ÿœ

    So tinrace mo kung saan sila nagmumula at napaupo ka sa sahig. Nakita mo na may mga mumo pala ng kanin sa sahig, so kumuha ka ng walis, napawalis ka ng kusina, sinama mo na yung buong sala, nakarating ka na sa kwarto, tapos sabi mo maliligo ka na at isasabay mo na ang paglinis ng banyo. ๐Ÿšฝ๐Ÿช 

    Tapos tsaka mo naalala na iinom ka lang pala ng kape. ๐Ÿ˜…

    Bilang nanay, ang dami nating workload na akala ng iba ay maliliit lang. Pero i-ignore lang natin ang isa sa mga yun, ang laki na ng impact sa buong bahay!

    Buti nalang may mga chores na kahit na sa paningin ng iba ay mahirap o nakakatamad gawin, ang tingin natin sa kanila, ME TIME! Kanya-kanyang mindset nalang kasi no choice naman tayo eh. ๐Ÿคฃ

    Ayon sa mga Bagong Nanay sa Instagram, eto ang kanilang mga paboritong gawaing bahay:

    Maglinis ng banyo

    Ayon kay Mommy Cybil, paborito niya ang paglilinis ng banyo. Kasi daw, iniimagine niya na yung kinukuskos niyang sahig o inidoro ay ang mukha ng taong kinaiinisan niya! ๐Ÿคฃ

    Source: Pinterest

    Si Mommy Sam rin, ito ang paborito at ginagawa niyang “me time” ito. “Napaka-fulfilling na makakita ng malinis na banyo, at alam kong ako ang naglinis. Yung parang may imaginary sparkles in my mind!” sabi niya.

    Magluto

    Ayon din kay Mommy Sam, paborito niya magluto kasi natutuwa siya makita na nagugustuhan ng anak niya ang luto niya. Subalit, pag hindi naman daw ito nagustuhan, vocal din ang anak niya dito. ๐Ÿ˜…

    Source: Pinterest

    Sina Mommy Erin at Mommy Lou naman, mahilig din magluto kaya lang with reservations. “Magluto [ang paborito kong gawaing bahay] pero ayaw ko kumain,” sabi ni Mommy Erin.

    Si Mommy Lou naman, “madali akong nabubusog pag ako ang nagluluto.”

    Kung pareho tayong nagluluto nang tatlong beses sa isang araw, meal planning is key talaga. Minsan, igu-Google ko nalang kung ano ang pwedeng gawing recipe depende sa kung anong merong ingredients sa ref. ๐Ÿ’ฏ

    Maglaba

    Si Mommy Daisy, paborito ang paglalaba. “Gustong gusto ko ang maglaba. Ayaw ko kasing nakatambak na ang labahin eh. At pagtapos maglaba, maglinis naman ng CR, para mainam tingnan,” sabi niya.

    Sa paglalaba naman, bilang limited ang space sa aming bahay at walang area for sampayan, nag-invest talaga kami sa washer-dryer combo na washing machine. Yung tipong pagkatapos ng 2 hours, itutupi mo nalang. Ang tanong: sulit ba sa halaga niya? Gagawa ako ng review ng LG Front Load washer namin soon. ๐Ÿ’ฏ

    Source: Pinterest

    Mag-“dish-watching”

    Ako ang paborito kong chore noon ay ang maghugas ng plato sa gabi, habang nanonood ng K-Drama. ๐Ÿ˜… Kaya lang, binilhan ako ng husband ko ng Maximus Tabletop Dishwasher, kaya tuloy bihira nalang ako maghugas ng plato. ๐Ÿคฃ Choosy ka pa, mamsh?!

    Pero seryoso, ang dami mo pang ibang magagawa kung ipapasa mo nalang sa dishwasher ang trabaho, lalo na kung no yaya ka din tulad ko. ๐Ÿ’ฏ

    Hehehehehe

    O siya, salamat sa mga sumagot sa ating #BagongNanayQOTW! Sa susunod na ulit at magluluto pa ako. Teka, kailangan ko muna maghugas ng plato. Bago yun, mag-CR muna pala ako. Ay, hindi pala ako makatayo dahil dumedede pa ang anak ko. ๐Ÿ˜…

    Ikaw, anong paborito mong gawaing bahay?