Category: #BagongNanayQOTW

  • “Di ko naman pala kailangan…”

    “Di ko naman pala kailangan…”

    Hello, mga #BagongNanay! Sorry, medyo na-late ang blog post na ito. Minsan kasi, ang sarap sulitin ng weekend kasama ang pamilya. Pero pagkagising mo ng Monday, parang weekend pa rin naman pala. Walang aalis para pumasok, dahil work-from-home. Yun nga lang, hindi pwedeng pumunta ng simbahan para mag-simba, or mall para pumasyal.

    Nagtanong kami ng mga Bagong Nanay sa Instagram kung ano ang habit o routine nila noon – bago pa mag-lockdown – na na-realize nilang kaya naman pala nilang hindi gawin ngayon.

    At eto ang mga sagot nila:

    “Kaya ko pala na hindi bumili ng bagong damit.” @sahmnimia

    Ayon kay Mommy Jea, noong dalaga pa siya, monthly siya kung mamili ng damit. Nung nag-asawa na siya, naging madalang na. At ngayong nagka-pandemic, hindi naaaa! Puro kay baby and necessities nalang. Isang malaking RELATE, mamsh!

    “Kaya ko naman palang hindi magpa-mani and pedi every month.” @evrydaymomslife

    Sabi naman ni Mommy Jemma, kaya niya naman palang hindi magpa-manicure and pedicure every month, pero ang hindi niya talaga kaya i-give up ay ang back massage. Wow. Ang sarap! Nakakamiss.

    At dahil di na siya laman ng nail spa, ano na kaya ang kinahihiligan ni Mommy na pagandahin? “I spend a lot of time decorating and improving my daily budget journal. Ang dami ko nang highlighters and pens. Since pandemic, I realized na need mag-improve ng savings. Three (3) months cushion is not enough pala.”

    Very well said, mommy. At least nakatipid din sa mamahaling Orly nail polish at tip! :P

    “Kaya ko palang hindi magpagupit nang six months!” @rejjventress

    Kung dati ay onting tubo ng hair, set appointment sa salon, tila nag-iba ang ikot ng mundo para kay Mommy Rej. Ang dating high-maintenance na pixie cut, wala munang choice kundi pahabain ngayon.

    “Kaya ko palang hindi mag-staycation every two months.” @eringaloso

    Say it with me, mga mamsh. SANA. ALL. Nakaka-staycation every two months. HAHA! Don’t worry, kapatid ko siya. Hehe.

    Bukod dito, sabi ni Mommy Erin, na malungkot siya dahil na-realize niyang kaya pala niyang hindi magpagupit sa salon, gaya ni Mommy Rej.

    Ako nga mga mamsh, isinuko ko nalang kay Husband ang aking buhok. Bumili siya ng hair clipper sa Lazada – at sa akin niya itinest. Panoorin niyo itong pag-ahit niya sa ulo ko!!!

    Dahil libre ang gupit, sinulit ko na!

    “Kaya ko palang hindi mag-complain.” @guamdalisay

    Ang ganda ng entry ni Mommy Guammy. “Kung dati hindi maiwasan magreklamo at ma-stress over the little things, ngayon lagi nalang akong thankful at #FeelingBlessed basta walang sakit ang buong pamilya.” Eto. Eto lang naman talaga ang mahalaga sa panahon ngayon. Wala nang iba.

    Napakaraming pagbabago ang dala ng pandemic, ano? Imagine, it took a pandemic for us to realize what matters to us most. Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na nagbibigay aliw at saya sa atin noon – manicure, pedicure, spa, mall, salon – ay humaharap ngayon sa isang hamon. Bilang mga Pilipino tayo, nagiging mapamaraan para lamang makamtan ito, nang hindi i-co-compromise ang ating health and safety.

    Ikaw, Bagong Nanay, ano pang napagtanto mong hindi mo naman pala kailangan?

  • “Kaya ko pala!”

    “Kaya ko pala!”

    Tinanong namin ang mga #BagongNanay sa Instagram kung anu-anong bagong skill o kakayahan ang na-discover nilang kaya pala nilang gawin ngayong nakasailalim ang Metro Manila sa community quarantine sa gitna ng Covid-19 pandemic.

    Nakakaaliw ang mga sagot nila!

    “Kaya ko pala magluto ng 3x a day.” – @judiyamariya

    Taas-kamay ng mga nanay diyan na kunwari nalang may Top Chef o Master Chef challenges para lang mapakain ang pamilya ng iba’t-ibang ulam per day. Napakahirap po mag-isip ng lulutuin, ano? Buti nalang andyan ang Panlasang Pinoy. Haha!

    Check out Nanay Regina’s blog for certified yummy at madaling i-prepare na Quarantummy recipes!

    “Kaya ko pala manahi.” – @xingogaoiran

    At ang galing niya! Check out ang mga dresses na tinahi ni Singapore-based Mommy Xin para sa kanyang little bunny daughter Dani. <3

    Follow @bunnydanidresses on IG

    “Kaya ko pala maging mom-preneur!” @guamdalisay

    Dahil halos lahat ngayon ay nagsstay at home para iwas-Covid, dumarami ang mga nagbebenta online. PM is the key, ika nga! Si Mommy Guammy ay nagbebenta ng malunggay tea drink online para sa mga #BagongNanay na tulad niya! PM niyo na siya! :)

    “Kaya ko pala mag-WFH-gawaing bahay-at mag-alaga ng toddler.” @ayessammy

    Hands down, Super Nanay Ayessa! Sinong relate na mas mahirap pa ang mag-work-from-home kesa pumasok sa office?

    “Kaya ko pala makatapos ng K-Drama in one day!” @mavicholics

    Eto namang si Mommy Mavic, na-break ang kanyang record sa panonood ng K-drama! Kung dati inaabot pa siya ng 2 days, natapos niya panoorin sa Netflix ang The King: Eternal Monarch ng isang araw lang! Winner! Nirerecommend niya ito dahil “high-class ang production plus Lee Min Ho, of course!”

    Anong K-drama ang pinapanood niyo, mga #BagongNanay?

    “Kaya ko pala tumayo sa inidoro nang hindi naghuhugas ng pwet… kasi biglang pumasok si baby!” @thenicoledvillaran

    ITO TALAGA ANG SKILL! Hahaha. Kabog ang lahat ng skills namin sayo, Mommy Nicole! Hahaha. Ang hirap nga naman mag-CR in peace lalo na pag extra clingy ang ating mga babies!!!

    Sa panahon ng pandemya tulad ngayon, hindi naman required na may matutunan tayong bagong gawain. Pinakamahalagang task natin ngayon bilang mga #BagongNanay ay panatilihing safe, healthy, at buhay ang ating pamilya. Yun ang hindi matatawarang skill natin bilang mga nanay. <3

    Kaya natin to, mga mamsh! Kapit lang!

    Ikaw, #BagongNanay, anong skill ang na-discover mong “Kaya mo pala?”